Luke 20:41-44

Ang Tanong tungkol sa Cristo

(Mat. 22:41-46; Mar. 12:35-37)

41Ngayon, si Jesus naman ang nagtanong sa kanila, “Bakit sinasabi ng mga tao na ang Cristo raw ay lahi lang ni David? 42Samantalang si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Salmo,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan
43hanggang sa mapasuko ko sa iyo ang iyong mga kaaway.’
Salmo 110:1.

44Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano masasabing lahi lang siya ni David?”

Copyright information for TglASD